^

Bansa

'Kawawa riders, naulanan pa': Robredo sa natanggap na P100k scam deliveries

James Relativo - Philstar.com
'Kawawa riders, naulanan pa': Robredo sa natanggap na P100k scam deliveries
Litrato ni Bise Presidente Leni Robredo (kaliwa) at kuha ng bogus orders (kanan) na ipinadala sa tanggapan ng Office of the Vice President
AFP/Jam Sta. Rosa; Mula sa Twitter ni Atty. Barry Gutierrez

MANILA, Philippines — Mahigit daanlibong halaga ng kung anek-anek na grocery goods ang ipinadala sa tanggapan ng 2022 presidential aspirant na si Bise Presidente Leni Robredo kamakailan — ang problema, hindi naman sila ang nag-order.

Ang naturang problema ay ipinaskil ng tagapagsalita ni Robredo na si Barry Gutierrez, Lunes, kalakip ang screenshot ng bagong order na nagkakahalaga ng P16,040.

"I was in the office, deep in meetings, yesterday when 3 delivery riders arrived with more than P100,000 worth of goods from 3 merchants in my name on a cash on delivery basis," ani Robredo sa kanyang personal na Facebook account, Martes.

"When I was told about this, nag alala ako sa delivery riders.  Sobrang abala sa kanila. Bka akala ng scammers yung burden nasa amin. Hindi iniisip na kinakawawa nila yung riders saka yung mga shoppers nila na nabiktima. Umuulan pa naman kahapon and nabasa sila."

 

 

Kapag cash on delivery o COD ang moda ng pagbabayad sa order, kinakailangan kasing personal na magbigay ng cash kapalit.

Ginagawan naman na raw ng Metromart, na kilalang grocery delivery service, ang nasabing reklamo.

"We're extremely saddened to hear that this event has happened, most especially for the hard working riders and personal shoppers that shopped and delivered these grocery orders," wika ng kanilang social media team.

"We heightened our scam preventive measures to ensure this will not happen again."

Pinasalamatan naman niuna Gutierrez ang mabilis na kooperasyon ng naturang establisyamento sa kanila, lalo na't naabala pa ng nasabing "prank" ang kanilang mga tauhan pati na ang mga delivery riders.

"Thank you to Metromart and the merchants. Napakadali ng pag ayos ng return ng goods. Sana lang sa panahon ng matinding kagipitan, huwag ng mag isip ng mga panloloko at yung mga maliliit na naman yung mga nabibiktima," patuloy ni Robredo, na kasalukuyang number two sa SWS presidential surveys.

Dati nang problema ang bogus orders na idinadaan sa mga sari-saring delivery services gaya ng Foodpanda at Grab Food, lalo na't umuso lalo ang online shopping buhat ng COVID-19 pandemic. Dahil dito, nagva-viral sa social media ang posts ng delivery riders na tila napakalungkot dahil nagoyo at hindi alam anong gagawin.

Maliban kay Robredo, una na ring nabiktima ng kahalintulad na prank ang kapwa niya presidential aspirant at Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso noong Hulyo.

Kasalukuyang nakabinbin pa rin sa Kamara ang House Bill 7805 o Internet Transactions Act, bagay na magpapataw ng parusa sa mga pekeng orders ng pagkain at groceries na nagdudulot ng sandamukal na perwisyo.

vuukle comment

2022 NATIONAL ELECTIONS

ISKO MORENO

LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with