^

Bansa

Integridad ng kandidato gamitin sa pagboto - Diokno

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naniniwala si senatorial candidate at human rights lawyer Chel Diokno na dapat maging konsi­derasyon ng mga botante sa pagpili ang mga bagay na nakakaapekto sa trabaho at integridad ng mga kandidato sa 2022 elections.

Ito ang reaksyon ni Diokno matapos tanungin kung dapat bang isai­lalim ang isang kandidato sa drug testing bago ito payagang makatakbo sa halalan.

Ayon kay Diokno, batay sa desisyon ng Korte Suprema, hindi puwedeng obligahin ng gobyerno ang mga kandidato na sumailalim sa mandatory drug testing.

Aniya, hangga’t hindi nasusuri ang nasabing desisyon ng Korte Suprema ay mananatili itong polisiya.

Ngunit sinabi ni Diokno na nasa mga botante na ang pasya kung pipili ba sila ng mga kandidato na sinasabing sangkot sa paggamit ng droga.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na isang lalakeng presidential candidate ang gumagamit ng cocaine.

vuukle comment

CHEL DIOKNO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with