^

Bansa

PhilHealth kinalampag sa utang sa private hospitals

Malou Escudero, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
PhilHealth kinalampag sa utang sa private hospitals
Hinikayat ni Presidential spokesman Harry Roque si PhilHealth president at chief executive officer Dante Gierran na sundin ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na bayaran na ang obligasyon sa mga pribadong ospital.
Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Kinalampag ng Palasyo at Senado ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na bilisan ang pagbabayad sa lumalaking utang sa mga pribadong ospital.

Hinikayat ni Presidential spokesman Harry Roque si PhilHealth president at chief executive officer Dante Gierran na sundin ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na bayaran na ang obligasyon sa mga pribadong ospital.

Ipinaalala pa ni Roque sa PhilHealth na maaapektuhan ang healthcare system ng bansa kung mawawala ang kooperasyon ng mga pribadong ospital.

Nakiusap din si Roque sa mga pribadong ospital na huwag ituloy ang balak dahil palagi naman silang sinusuportahan ng Pangulo.

Sinabi naman ni Sen. Grace Poe, na nasa COVID-19 pandemic ang bansa kaya hindi dapat ma­nganib o makompromiso ang serbisyo ng mga healthcare institution nang dahil sa kakulangan ng pondo na dulot ng hindi pagbabayad ng PhilHealth.

Partikular na tinukoy ni Poe ang babala ng mga ospital na maaari silang magbawas ng operasyon o kaya ay tuluyang magsara.

Sa sandaling mangyari umano ito ay lalo lang magkakapunuan ang mga ospital sa gitna ng pandemya at madaragdagan pa ang walang trabaho.

Para naman kay Sen. Imee Marcos, kapag bumitaw ang mga ospital sa PhilHealth ay mawawalan umano ng silbi ang univeral healthcare at magiging malaking problema ang pagbabayad sa ospital ng magkakasakit na walang pera at trabaho.

vuukle comment

HOSPITAL

PHILHEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with