^

Bansa

Ika-9 taas presyo ng langis sisipa na naman

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Ika-9 taas presyo ng langis sisipa na naman
Base sa pagtaya ng oil industry sector, posibleng tumaas sa Martes ng P1.10 hanggang P1.50 ang presyo ng kada litro ng gasolina,P0.50-P0.60 sa kerosene at P0.30-P0.40 sa diesel.
STAR / File

MANILA, Philippines — Panibagong taas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang nagbabadyang ipatupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa.

Ang panibagong oil price increase ay nasa ika-siyam na linggong sunud-sunod na mula noong Agosto 31.

Base sa pagtaya ng oil industry sector, posibleng tumaas sa Martes ng P1.10 hanggang P1.50 ang presyo ng kada litro ng gasolina,P0.50-P0.60 sa kerosene at P0.30-P0.40 sa diesel.

Sinasabing ang napipintong price adjustment ay bunsod umano ng paggalaw ng presyuhan ng la­ngis sa pandaigdigang pamilihan.

Noong Oktubre 19 huling nagtaas ng P1.80 sa gasolina,P1.50 sa diesel at P1.30 sa kerosene.

Kasabay ng pagtaas ng presyo ng la­ngis ay ang pagtataas din presyo ng ilang pangunahing produkto sa bansa.

Umiiyak na ang publiko lalo na ang mga tsuper sa sunud-sunod na oil price increase.

vuukle comment

GASOLINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with