^

Bansa

Fact check: Viral video na madi-'disqualify' na raw si Robredo sa 2022 elections

James Relativo - Philstar.com
Fact check: Viral video na madi-'disqualify' na raw si Robredo sa 2022 elections
Makikita si Bise Presidente Leni Robredo habang hawak ang kanyang certificate of candidacy sa pagkapangulo, ika-7 ng Oktubre, 2022
Released/Comelec

MANILA, Philippines — Bali-balita ngayon sa social media ang diumano'y napipintong pagkaka-disqualify ng isang 2022 presidential candidate, bagay na wala namang katotohanan o batayan.

Ayon sa video na ipinaskil ng Facebook page na "Duterte News Info" nitong Linggo, kinumpirma kuno ng Commission on Elections ang pagkakansela sa kandidatura ni Bise Presidente Leni Robredo.

Umabot na sa 1.6 milyon ang nakapapanuod ng nabanggit na video habang sinusulat ang balitang ito, na may caption na "COMELEC, KINUMPIRMANG MADI-DISQUALIFIED si ROBREDO Matapos ang PANGHIHINGI ng PERA LAGOT."

"[Ito'y] matapos ang tila naging online limos sa mga foreigners at ilan pang mga Pilipino para sa kanyang campaign sa 2022 election," ayon sa narrator ng sketchy na video.

"Ito ang kinumpirma ng Comelec commissioner na si Rowena Guanzon sa kanyang Twitter account kung saan hindi pinaglagpas ang maling gawawin na ito na sinimulan ng kampo ni Vice President Leni Robredo."

 

 

Disqualified? Nge, hindi naman

Labis naman itong ikinagulat ni Comelec spokesperson James Jimenez, lalo na't walang katotohanan ang pinalalabas ng nasabing video.

"VP Leni Robredo has not been disqualified. Video and articles that imply or suggest otherwise are #fakenews," ayon kay Jimenez sa isang tweet kagabi.

"COMELEC's reminders on prohibited sources of funding apply to all would-be candidates. #fightfake"

Binaluktot na balita, impormasyon

Kung hihimayin ang sinasabi ng video, haluan ito ng kasinungalingan at katotohanan.

Totoong sinabi ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na bawal mag-ambag ng pera ang mga dayuhan sa kampanya ng isang kandidato sa eleksyon — kaso, diyan na 'yan nagsisimula at nagtatapos.

"Foreigners cannot contribute to any FIlipino candidate," ani Guanzon patungkol sa balitang merong crowdfunding page na inilunsad para sa presidential bid ni Robredo.

Wala kahit saan sa mga sinabi ni Guanzon na kinukumpirma niya ang pagpapadiskwalipika sa opposition candidate.

Kamakailan lang kasi nang mangalap ang website na https://donation.teamlenirobredo.com/ ng halagang P50 pataas para humingi ng tulong sa kampanya ng bise presidente.

Ayon sa Section 81 at 96 ng Omnibus Election Code, bawal ang pangingialam ng mga banyaga sa halalan ng Pilipinas, pati na rin ang pangangalap at pagtanggap ng kontribusyon sa kanila pagdating ng political campaigns.

Soliciting or receiving contributions from foreign sources. – It shall be unlawful for any person, including a political party or public or private entity to solicit or receive, directly or indirectly, any aid or contribution of whatever form or nature from any foreign national, government or entity for the purposes of influencing the results of the election.

Pwedeng makulong nang hanggang anim na taon ang lalabag sa naturang probisyon ng election code. — may mga ulat mula kina Kristine Joy Patag at Franco Luna

vuukle comment

2022 NATIONAL ELECTIONS

COMMISSION ON ELECTIONS

FAKE NEWS

JAMES JIMENEZ

LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with