^

Bansa

Cusi kinalampag sa 7 beses na oil price hike

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Cusi kinalampag sa 7 beses na oil price hike
Ayon kay House Assistant Minority Leader at Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro, matinding pahirap sa mga driver at kanilang pamilya na unti-unti pa lamang bumabangon sa pandemya ang serye ng pagtaas ng presyo ng gasolina pero walang aksyon ang ahensyang dapat nangangasiwa dito.
STAR/File

MANILA, Philippines — Kinalampag kahapon ng dalawang mambabatas si Energy Secretary Alfonso Cusi na sa ika-pitong sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay House Assistant Minority Leader at Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro, matinding pahirap sa mga driver at kanilang pamilya na unti-unti pa lamang bumabangon sa pandemya ang serye ng pagtaas ng presyo ng gasolina pero walang aksyon ang ahensyang dapat nangangasiwa dito.

Sinabi ni Brosas na sa halip na pag-atupag sa kampanyang electoral ay dapat gumawa ng aksyon ang opisyal sa walang ampat na taas-presyo ng langis. Si Cusi ay presidente ng isa sa paksyon ng PDP-Laban Party.

“Pwedeng agarang suspendihin ang implementasyon ng VAT at ng excise tax sa mga produktong petrolyo sa minimum. Pero mas abala si Cusi na ituloy ang paghahari ng kanilang paksyon lampas 2022,” punto pa ng dalawang lady solon.

Ayon kina Brosas at Castro, inaasahang tataas pa ang presyo ng langis dahilan sa pagsandig ng bansa sa imports at sa galaw ng presyo ng petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.

vuukle comment

FUEL PRICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with