^

Bansa

Pagdalo sa face-to-face classes ­hindi sapilitan

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi sapilitan ang pagdalo ng mga estudyante sa face-to-face classes ng mga napiling eskuwalahan, ayon sa Department of Education.

Sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones, hindi pipilitin ang mga bata at dapat ay katuwang ng DepEd ang mga magulang ng mga estudyanteng makakasama sa face-to-face classes.

Sinabi rin ni Briones na lahat ng eskuwelahan na kasali ay dapat may contingency plan kung ano ang gagawin sakaling may bata na magkaroon ng COVID-19.

Muling binanggit ng kalihim na makakatanggap ng extra hazard pay ang mga guro na magtuturo sa face-to-face classes.

Ang mga guro na magtuturo sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) ay tatanggap ng 500 allowance kada araw.

Kung magkakaroon naman ng COVID-19 ang guro ay tiyak naman aniya na marami ang tutulong sa kanya at ibibigay ang lahat ng serbisyo ng gobyerno.

“But kung talagang iyong kinatatakutan nating mangyari at nadapuan ang isang teacher ng COVID, lahat ng serbisyo ng pamahalaan ay available for her. At saka iyong sa DepEd naman, mayroon tayong provident fund; mayroon tayong mga asosasyon ng mga employees ng go­vernment, nag-aambagan sila; nandiyan iyong private sector. Marami talagang tumutulong sa teacher dahil mahal na mahal ng bansa ang teacher,” ani Briones.

vuukle comment

LEONOR BRIONES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with