Pagtatanggal ng mga libro ng CPP-NPA sa library ng unibersidad, suportado ng mga kabataan
MANILA, Philippines — Suportado ng mga estudyante at iba’t ibang samahan ng mga kabataan ang desisyon ng Kalinga State University (KSU) na tanggalin sa library nito ang mga aklat na nagtuturo tungkol sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na magalit sa pamahalaan.
Kabilang dito sina Da-niel Castillo, dating estud-yante ng University of the Philippines (UP) Diliman, na may alyas na Ka Steven; Kim Soguilon, External Vice-President ng Supreme Student Council of the Phi-lippines National; Christian Kier Betito, presidente ng Propelling Our Inherited Nation Through Our Youth (POINTY); Franz Liam Arabia, ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo at Joy James Saguino aka Ka Amihan, dating UP student sa Visayas na na-ging Secretary General ng NPA Guerilla Front 20 at First Deputy Secretary ng Southern Mindanao Regional Committee.
Sinabi ni Castillo sa balitaan ng National Task Force to End Local Armed Conflict (NTF-ELCAC), na tama lamang ang desisyon ng KSU na alisin na ang lahat ng mga libro, gamit o anumang bagay ng mga komunista upang matigil na ang panghihikayat ng CPP-NPA-NDF sa mga mag-aaral nito.
Pinaalalahanan din ng mga ito ang mga freshmen o bagong pasok sa mga kolehiyo at mga unibersidad na huwag magpapalinlang sa mga panloloko at panghihikayat na sila ay sumali sa Communist Terrorists Groups (CTGs).
- Latest