^

Bansa

Dentists, med techs bilang vaccinators lusot sa Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Dentists, med techs bilang vaccinators lusot sa Kamara
Ito’y naglalayong mapalakas pa ang COVID-19 vaccination program ng pamahalaan.
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Pinagtibay na sa House panel ang panu­kalang idagdag bilang vaccinators ang mga licensed medical technologists at rehistradong dentista sa bansa.

Ito’y naglalayong mapalakas pa ang COVID-19 vaccination program ng pamahalaan.

Inamyendahan ng House Bill (HB) 9354 ang RA 11525 o COVID-19 Vaccination Program Act of 2021 at pinagtibay ng House Committee on Health kung saan bukod sa mga doktor, nurses at trained pharmacists, idadagdag na rin sa mga vaccinators ngayong may COVID-19 pande­mic ang mga dentists at medical technologists.

Naniniwala si  4th District Quezon Rep. Angelina “Helen” Tan, isa sa mga may-akda ng panukala, na mas magi-ging epektibo, maayos at mabilis ang pagroll-out ng COVID-19 vaccines sa bansa lalo’t inaasahan ang pagdating pa ng mas maraming bakuna.

Nilinaw naman ni Tan na limitado lamang ngayong may COVID-19 pandemic ang dagdag na trabaho ng mga dentista at medical tech bilang vaccinators.

Titiyaking sumaila-lim muna sila sa pagsasanay ng Department of Health (DOH) tulad ng ibang medical personnel bago isabak sa pagbabakuna.

Nilinaw din ni Tan na hindi mandatory sa mga dentista at medical tech ang pagsasagawa ng inoculation ngayong pandemya matapos na una na itong tutulan ng PRC-Board of Medical Technology ang panukala.

vuukle comment

HOUSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with