^

Bansa

Dagdag na pondo sa Philippines Coast Guard proteksiyon sa ‘pagkain, buhay at hanapbuhay’

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinusulong sa Senado ang dagdag na pondo para sa Philippine Coast Guard (PCG) para mapag-ibayo ang pagpapatrulya sa ating teritoryo at proteksiyon sa kabuhayan ng mga mangingisdang Pilipino.

Bago rito, bumilib si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan sa ginawang pagtaboy ng barko ng PCG na BRP Cabra sa isang Chinese navy warship.

“Ang galing ng ating David sa kanilang Goliath. Super lodi ang ating Coast Guard lalo na’t limitado ang kanilang resources. Kailangang bigyan sila ng saktong budget para mas marami pa silang matulungan,” wika ni Pangilinan.

Kinumpirma ng PCG na matagumpay na naitaboy ng BRP Cabra ang Chinese Navy Warship 189 sa Marie Louise Bank sa West Philippine Sea noong July 13.

Pinasalamatan ni Pangilinan ang mga tauhan ng PCG sa pagtatanggol sa teritoryo ng bansa at sa karapatan sa ating exclusive economic zone.

“Nagpapasalamat tayo sa kanila sa pagtatanggol sa ating teritoryo, kabilang ang kabuhayan ng ating mga mangingisda. Pagkain, buhay at hanapbuhay ang nakataya,” ani Pangilinan.

Pinuna ni Sen. Pangilinan na mas mababa ang budget ng PCG ngayong taon kumpara noong 2020 kaya nangako siyang isusulong ang dagdag na pondo para sa ahensiya.

vuukle comment

PSG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with