^

Bansa

Mga barangay sa Ilocos region benepisyaryo na ng BDP

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kasama na ngayon ang mga barangay sa Ilocos region na mabibigyan ng mga proyekto sa ilalim ng Barangay Development Program (BDP).

Kaugnay nito, iniulat din ni National Security Adviser at Vice Chairman ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Hermogenes Esperon Jr. na umaabot na sa 99 percent ng BDP funds ang naibahagi na sa mga Provincial at City Governments sa buong bansa ngayong 2021.

Ang P16.24 bilyon mula sa P16.44 bilyon pondo ng BDP ay nailabas na ng pamahalaan para sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga tao mula sa barangay na nawala na sa impluwensiya ng New People’s Army (NPA).

Una rito, sa groundbreaking ceremony ng BDP sa Ilocos region ay nagkaloob ang NTF-ELCAC ng tig-P20 milyon sa dalawang barangay ng Salcedo at Santo Domingo para patayuan ng farm-to-market road, school building, public toilet at pangtulong pinansiyal sa mga mahihirap na tao.

vuukle comment

NTF-ELCAC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with