^

Bansa

‘Vaccine Express’ ni VP Robredo, dadalhin sa Visayas at Mindanao

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Vice President Leni Robredo na dadalhin ng Office of the Vice President ang COVID Vaccine Express Program sa Visayas at Mindanao kabilang ang Davao City bilang tugon na rin sa tumataas na kaso sa rehiyon.

Ang aksyon ni Robredo ay tugon sa naging apela ni Cagayan De Oro Rep. Rufus Rodriguez na palawigin ni Robredo ang drive-through vaccination program nito sa Visayas at Mindanao na nakakaranas ngayon ng paglobo ng COVID-19 cases.

Sa isang twitter post ay agad na nagpasalamat si Rodriguez sa mabilis na pag-aksyon ni Robredo.

“We need your project here in CDO to vaccinate more people. We need much help that we can get for my constituents in Cagayan de Oro City,” sabi ni Rodriguez.

Sa nasabing twitter thread ay sumagot din si Sen. Panfilo Lacson na natuwa sa naging palitan ng aksyon ng dalawang opisyal.

apela ni Rodriguez na mula sa Puwersa ng Masang Pilipino (PMP) kay Robredo ay kasunod na rin ng pinakahuling OCTA Research findings kung saan tinukoy ang Davao City, Bacolod, Iloilo City, Cagayan de Oro at Tacloban bilang areas of concern sa COVID.

Sa unang araw ng Vaccine Express initiative ni Robredo sa Maynila ay nasa 2,275 tricycle, pedicab at delivery riders ang nabigyan ng bakuna bukod pa sa P500 fuel incentive at nakatakdang isunod naman ang mga vendors.

Matatandaan na nagkairingan sina Robredo at Davao City Mayor Sara Duterte nang magbigay ng advice ang Bise Presidente sa alkalde na pag-aralan ng Davao City ang Covid approach ng Cebu City.

Ani Robredo, mas malaki ang populasyon ng ibang lungsod subalit nangunguna umano ang Davao City sa mga LGUs na may mataas na naitatalang kaso ng COVID kada araw.

“The Vice President should refrain from gi-ving advice if she knows nothing about what is happening on the ground,” pahayag noon ni Mayor Duterte na sinabing kulang sa pang-unawa at kaalaman si Robredo at walang maitutulong para maresolba ang problema.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with