^

Bansa

Palawan mayor, 3 pa kinasuhan sa Ombudsman sa paglabag sa COVID-19 protocol

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patung-patong na kaso ang isinampa sa Office of the Ombudsman laban kay Puerto Princesa Mayor Lucillo Bayron at sa tatlong iba pa kaugnay ng umano’y paglabag sa Covid-19 health protocols.

Sa inihaing reklamo sa Ombudsman noong Hunyo 10 ng mga concerned residents ng Puerto Princesa, umalma sila laban kay Mayor Bayron matapos umano nitong aprubahan ang Balayong Fun Ride at Acacia Tunnel Lighting event noong nakaraang Mayo 7.

Naniniwala ang mga residente na ang dalawang nasabing event na dinaluhan ng mahigit sa 1,300 participants ang dahilan kaya tumaas ang kaso ng COVID-19 sa Puerto Princesa at mga katabing bayan.

Kabilang sa mga kasong inihain laban kina Bayron; Judith Bayron, chairman ng event’s ­executive committee; Dean Palanca, head ng Puerto Princesa Incident Monitoring Team, at Games and Amusement Board chair Abraham Mitra ay gross neglect of duty, grave misconduct, paglabag sa Bayanihan Act at open disobedience sa ilalim ng Article 231 ng Revised Penal Code.

Matatandaan na inilagay ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa Enhance Community Quarantine (ECQ) at Modified ECQ ang iba’t ibang criticial zone sa siyudad at katabing bayan noong Pebrero 19 dahil sa pagtaas ng kaso ng virus.

Si Mitra ay kabilang sa kinasuhan dahil umano sa paglabag sa minimum health protocols dahil sa hindi pagsusuot ng mask habang nasa event at kinalaunan ay nagpositibo sa COVID-19 isang linggo matapos ang pagdalo sa event.

Nakasaad pa sa reklamo na nilabag umano ng mga opisyal ng Palawan ang Omnibus Guidelines para sa implementasyon ng Community Quarantine sa bansa na mismong si Pangulong Duterte ang naglabas ng kautusan.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with