^

Bansa

‘Buy Pinoy, Buy Local’, cash ayuda susi sa pagbangon ng MSMEs

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binigyang-diin ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan na kailangan ng sama-samang pagkilos at pagtutulungan upang maibangon ang micro, small and medium enterprises (MSMEs) mula sa matinding epekto ng pandemya.

Sa kanyang privilege speech kahapon, iginiit ni Pa­ngilinan na dapat tulungang makabangon ang MSMEs dahil ito’y itinuturing na matibay na gulugod ng ekonomiya ng bansa.

Aniya, sa 1.42 milyong negosyo na nakarehistro sa buong bansa, 99 porsiyento ay kabilang sa sektor ng MSME habang tatlo sa limang manggagawa ay nagtatrabaho sa MSMEs.

Dahil sa epekto ng pandemya, sinabi ni Pangilinan na nasa 73.1 porsiyento ng MSMEs ang napilitang magsara ilang linggo matapos ang outbreak ng COVID-19.

Naglatag naman ang Senador ng ilang mga pagkilos upang mapasigla muli ang sektor ng MSMEs, kabilang ang pagpapalakas ng “Buy Pinoy, Buy Local” campaign para tangkilikin ng mga Pilipino ang mga produktong lokal.

Para makatulong sa mga lokal na industriya, isinama sa 2021 budget ang kautusan sa mga ahensiya ng pamahalaan na bumili ng materyales, gamit at iba pang supply sa mga lokal na kumpanya, kabilang ang personal protective equipment (PPE).

Isinusulong din ni Pangilinan ang pagbibigay ng conditional cash transfers sa MSMEs na lubhang tinamaan ng pandemya upang mapabilis ang kanilang pagbangon.

vuukle comment

MSME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with