COVID-19 cases sa bansa humataw sa 1,113,547; patay lagpas 18,600 na
MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health ng 4,734 bagong infection ng coronavirus disease, Martes, kung kaya nasa 1,113,547 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.
Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:
- Lahat ng kaso: 1,113,547
- Nagpapagaling pa: 56,752, o 5.1% ng total infections
- Kagagaling lang: 7,837, dahilan para maging 1,038,175 na lahat ng gumagaling
- Kamamatay lang: 59, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 18,620
Anong bago ngayong araw?
-
Dalawang Pilipinong umuwi galing Oman at United Arab Emirates ang kumpirmadong tinamaan ng mas nakahahawang B.1.617 COVID-19 variant, bagay na unang nadiskubre sa bansang India. Dahilan diyan, napasok na ng panibagong kinatatakutang variant ang Pilipinas.
-
Kaugnay ng mga nasabing development sa COVID-19 infections sa bansa, tinatayang ibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga bagong quarantine classifications sa Biyernes.
-
Sinibak naman sa pwesto ng pamunuan ng Philippine National Police ang station commander ng Caloocan matapos ang kontrobersyal na operasyon ng isang resort sa nasabing lungsod sa gitna ng ipinatutupad na modified enhanced community quarantine.
-
Binawi naman ng Hong Kong ang plano nitong sapilitan naw pagbabakuna laban sa COVID-19 ng lahat ng mga dayuhang kasambahay doon, bagay na makaaapekto sa maraming Pilipino.
-
Umabot na sa halos 158 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, patay na ang mahigit 3.3 milyong katao.
— James Relativo at may mga ulat mula kay Xave Gregorio
- Latest