^

Bansa

AFP magtatayo ng istraktura sa WPS

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Plano ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na magtayo ng ilang istraktura sa West Philippine Sea para mas lalong patunayan ang soberenya ng bansa at palakasin ang puwersa nila sa lugar.

Ayon kay AFP chief Gen. Cirilito Sobejana, ang hakbang ay bilang pantapat sa ginagawa ng China na paglalagay ng mga istraktura sa lugar.

Aniya, ipinasa na  nila sa National Task Force in the West Philippine Sea ang nasabing proposal.

Sinabi naman ni AFP spokesperson Major General Edgard Arevalo, kabilang sa mga planong itayo ay fisherman shelters, cold storage facilities at lighthouses.

Ipinaiwanag nito na ngayon lang nila naisipan ang nasabing paraan dahil mayroong kasunduan noong 2002 sa Declaration on Conduct of Parties in the South China Sea na bawal ang pagtatayo ng anumang istraktura subalit ito ay nilabag ng China.

Ang pakikpag-giyera aniya ay siyang huling kaparaanan na ng AFP kaya naghahanap aniya na sila ngayon ng makabago at mapayapang paraan.

vuukle comment

AFP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with