^

Bansa

P228.83-M pinsala idinulot ng Typhoon Bising sa agrikultura, imprastruktura

James Relativo - Philstar.com
P228.83-M pinsala idinulot ng Typhoon Bising sa agrikultura, imprastruktura
Aerial shot ng mga truck patungong Visayas at Mindanao sa Daraga, Albay, ika-18 ng Abril, 2021, matapos itigil ang ferry services mula Luzon patungong Samar Islands dahil sa banta ng bagyong "Bising"
AFP/Charism Sayat

MANILA, Philippines — Daan-daang milyong halaga na ang napipinsala ng bagyong Bising sa sektor ng agrikultura at sari-saring imprastruktura habang patuloy ang pagkilos nito papalabas ng Philippine area of responsibility, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ngayong Biyernes, pumalo na sa 1,468 kabahayan ang napinsala sa Bicol at Eastern Visayas at CARAGA:

  • wasak na wasak (94)
  • bahagyang pinsala (1,374)

Narito naman ang breakdown ng halaga ng pinsala pagdating sa sektor sa Regions V at VIII:

  • agrikultura (P218,288,528.50)
  • imprastruktura (P10,550,000)

Patay, inilikas

Nananatili namang nasa apat ang patay habang nasa 13 ang sugatan mula sa bagyo, bagay na naitala sa Regions V, VII, VIII at XI.

Tinatayang nasa 302,564 katao na ang naaapektuhan ng bagyo sa mahigit 1,030 baranggay sa buong Pilipinas.

  • dumaan sa "pre-emptive evacuation": 170,500
  • nasa 170 evacuation centers: 12,228 katao
  • lumikas sa ibang lugar: 17,779 katao

Nakapaglaan naman na ng halos P171,156.2 ayuda ang Department of Social Welfare and Development at mga lokal na pamahalaan sa mga apektadong pamilya sa Region V.

Bagyo tinutumbok paglabas ng PAR

Huling namataan ang mata ng Typhoon Bising 715 kilometro silangan hilagangsilangan ng Basco, Batanes kaninang 10 a.m. ng umaga, ayon sa tala ng PAGASA.

  • lakas ng hangin: 120 kilometro kada oras malapit sa gitna
  • bugso: 150 kilometro kada oras
  • direksyon: hilagangsilangan
  • bilis: 25 kilometro kada oras

Wala naman nang tropical cyclone wind signal sa kahit na anong lugar ngayon sa kalupaan ng Pilipinas.

"'BISING' will continue to weaken throughout the remainder of the forecast period," ayon pa sa state weather bureau.

"It is forecast to be downgraded to severe tropical storm category this afternoon or tonight and tropical storm category tomorrow before transitioning into an extratropical cyclone outside the PAR on Monday (26 April)."

vuukle comment

AGRICULTURE

BISING

INFRASTRUCTURE

PAGASA

TYPHOON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with