^

Bansa

Chinese vessels sa West Philippine Sea banta sa supply at presyo ng isda -- Pangilinan

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbabala si Sena-dor Francis “Kiko” Pangi­linan na posibleng humantong sa kakulangan sa supply at pagtaas ng presyo ng isda ang pa-nanatili ng mga barko ng China sa mga tradisyonal na pangisdaan ng mga Pilipino sa West Philippine Sea (WPS).

“May problema na tayo sa pork shortage. ‘Wag naman pati fish shortage dahil sigurado, pag nangyari ito, magmamahal din pati isda,” wika ni Pangilinan.

Sinisi ng mga mangi­ngisda sa Zambales ang bumababa nilang huli dahil sa presensiya ng 20 nakaangklang barko ng China sa lugar na 111 kilometro lang ang layo mula sa San Antonio, Zambales.

Ayon sa mga mangi­ngisda, kung dati ay kumikita sila ng P4,000 sa bawat pagpalaot, ngayon ay halos wala na silang naiuuwi sa pamilya dahil sa kakaunting bilang ng nahuhuling isda.

Hinikayat ni Pangilinan ang pamahalaan na agarang umaksiyon laban sa mga banta ng pagpasok sa ating teritoryo at kakulangan sa supply ng isda.

Aniya, dapat paking-gan ng gobyerno ang ba­ba-­la ng mga mangingisda ukol  sa pagbaba ng kanilang huli sa ating karagatan.

Iginiit din ni Pangili­nan na dapat kumilos ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at bigyan ng ka­rampatang suporta ang mga mangingisdang Pilipino. 

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with