‘Withdrawal of support’ ng DND, AFP kay Duterte, fake news!
MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na ‘fake news’ ang isang online post na nagsasabing hindi na suportado ng mga retirado at aktibong militar si Pa-ngulong Rodrigo Duterte.
“We denounce the irresponsible propaganda being propagated in online posts alleging that a group of retired and active military officers are withdrawing their support for the President,” ani Lorenzana.
Ayon kay Lorenzana, hindi sila kailanman magiging bahagi ng mga fake news na makadadagdag lamang sa problema at makaapekto sa sitwasyon ng bansa.
Apela ni Lorenzana, tigilan na ang mga malicious propaganda dahil mas kailangan ngayon ng bawat Filipino ang pagkakaisa laban sa banta ng pandemya at isyu ng West Philippine Sea.
Tinukoy ng kalihim ang umano’y tinatawag na “Viber 500” at ilang heneral na nasa gabinete na maliban kay vaccine czar Carlito Galvez, ay nagtutulak kay Duterte na kondenahin ang encroachment ng China sa WPS.
Sa kabila nito, ibinasura naman ni AFP Chief Gen. Cirilito Sobejana ang umano’y Viber group na kinabibilangan ng mga senior at junior officers mula sa mga retired at active military officers.
Tiniyak ni Sobejana na hindi nila suportado ang mga ganitong uri ng samahan na lalo lamang mabibigay ng gulo sa isip ng publiko.
Lumabas ang mga post tungkol sa “warplanes” mula sa iba’t ibang bansa at magla-landing sa Clark Airbase, Pampanga. Aniya, indikasyon ito na nais lamang gumawa ng gulo ang mga nasa likod ng post.
“We have issued a statement dismissing that SMS as fake news. No such lan-dings or taking off of aircraft from other countries are taking place. The AFP is on normal alert as opposed to the claim of that spurious sender,” ani Sobejana.
Inaabisuhan ni Sobejana ang publiko na ma-ging kalmado at ibibigay ng AFP ang seguridad sa bawat Filipino.
- Latest