^

Bansa

FDA aminadong hirap ang Pinas na makakuha ng COVID-19 vaccines

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Aminado ang Food and Drug Administration (FDA) na nahihirapan ang pamahalaan na makakuha ng sapat na suplay ng bakuna laban sa COVID-19 para sa proteksiyon ng milyun-milyong mamamayan, sa gitna ng patuloy na pagsipa ng kaso sa bansa.

Aniya, nakaabang lamang ang FDA Phils. sa  iba pang pharmaceutical companies na mag-aaplay ng emergency use authority (EUA).

Matagal na aniyang nagpaparamdam ang US-based company na Moderna na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nagsusumite ng kanilang EUA application.

Nakasalang pa sa evaluation process ang aplikasyon sa EUA ng COVID-19 vaccines na Bharat Biotech ng India at Janssen Pharmaceuticals na nakabase sa Belgium.

Ang apat na kumpan­yang nakakuha na ng approval sa FDA Phils. ay ang Pfizer BioNTech, AstraZeneca-Oxford, Sinovac at Sputnik V- Gamaleya Institute.

Sa datos ng Department of Health (DOH) nitong Abril 13, naiturok na ang mahigit 1.2 milyong doses mula noong Marso 1 habang pumalo na sa mahigit 900,000 kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa.

Una nang inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isinagawang public address noong nakalipas na Huwebes na hindi pa handa ang mga bansang gumagawa ng bakuna na pakawalan ang kanilang mga stocks ng  COVID-19 vaccines at marami pa ang mamamatay dahil wala pang sapat na suplay para mabakunahan ang buong mundo. 

Kabilang ang Pilipinas sa 92 mahihirap na bansang pinangakuang ma-bigyan ng COVID-19 vaccines sa ilalim ng Covax program.

 

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with