^

Bansa

Mass testing ng buong populasyon muling tinanggihan ni Dizon

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Mass testing ng buong populasyon muling tinanggihan ni Dizon
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 deputy chief implementer at tes-ting czar Vince Dizon , dapat sundin ng gobyerno ang mga medical journals at mga eksperto sa kalusugan na gumamit ng risk-based at targeted testing strategy sa halip na isai-lalim sa test ang lahat ng mga mamamayan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Muling tinanggihan ni National Task Force Against COVID-19 deputy chief implementer at tes-ting czar Vince Dizon ang mga panawagan na magkaroon ng mass testing sa bansa dahil hindi aniya maaaring i-test ang buong populasyon.

Ayon kay Dizon, dapat sundin ng gobyerno ang mga medical journals at mga eksperto sa kalusugan na gumamit ng risk-based at targeted testing strategy sa halip na isai-lalim sa test ang lahat ng mga mamamayan.

“Wala pong 100% na test for COVID-19. Kahit na PCR po iyan, hindi po iyan 100%. Kaya po kailangan talaga ang pagti-test ay ginagamitan ng iba pang mga factors, ng assessment. Kaya iyong paulit-ulit pong sinasabi ng ating  mga eksperto, kailangan  ito ay risk-based at targeted,” ani Dizon.

Dapat aniyang mag-ingat sa pagsasabi na ang solusyon sa COVID-19 ay ang pagte-test ng lahat ng mga Filipino.

“Kaya mag-ingat po talaga tayo kapag sinasabi natin na ang solusyon sa COVID-19 ay i-test ang lahat ng Pilipino. Napa-kadelikado po niyan at iyan po ay hindi po talaga nirirekomenda ng mga eksperto,” ani Dizon.

Ipinaliwanag pa ni Dizon na minarapat ng mga eksperto na magdagdag ng antigen test sa NCR Plus kasama ang Pampanga at Batangas upang matulu-ngan ang mga laboratoryo ng Philippine Red Cross dahil tinatamaan din ng COVID-19 ang mga med-tech.

Related video:

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with