^

Bansa

AstraZeneca para sa seniors, ubos na

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
AstraZeneca para sa seniors, ubos na
Ang Pilipinas ay nakatanggap lamang ng 2.5 mil­on ng COVID-19 vaccine doses, kung saan 525,000 ang AstraZeneca at puro Sinovac na ang iba.
AFP/Alain Jocard

MANILA, Philippines — Naubos na ang AstraZeneca vaccines sa bansa na gamit sa senior citizens kaya’t inaantaba-yanan na ng Department of Health (DOH) ang clinical trial data mula sa Sinovac vaccines na magpapakita na ligtas din itong iturok sa matatanda.

Sa kabila ng claim ng Sinovac official na maaa-ring gamitin sa health workers at senior citizens ang kanilang bakuna, hindi pa rin ito mairerekomenda ng DOH hangga’t hindi pa nagbibigay ng certificate ang Food and Drug Admi-nistration (FDA).

Noong nakalipas na buwan ay sinabi ng FDA na papalitan lamang nila ang detalye ng emergency use authorization na ipinagkaloob sa Sinovac kapag natanggap na nila ang ebidensiya sa naging resulta ng clinical trials.

Ang Pilipinas ay nakatanggap lamang ng 2.5 mil­on ng COVID-19 vaccine doses, kung saan 525,000 ang AstraZeneca at puro Sinovac na ang iba.

Ang AstraZeneca pa lamang ang naaprubahan para gamitin sa mga matatanda, batay sa EUA na inisyu ng FDA.

Tiniyak ni Health Usec. Rosario Vergeire sa publiko na nakikipag-ugnayan sila sa Sinovac upang maamyendahan ang EUA nito at magamit na sa senior citizens. 

 

vuukle comment

ASTRAZENECA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with