^

Bansa

Kaso ng COVID-19 sa PNP pumalo na sa 10,993

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Kaso ng COVID-19 sa PNP pumalo na sa 10,993
Ayon kay PNP Spokesman P/Brig. Gen.Ildebrandi Usana ang nasabing bilang ng mga nagpositibo sa virus ay nairekord simula noong nakalipas na taon hanggang alas-6 ng gabi nitong Biyernes.
Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Pumalo na sa 10,993 ang positibong kaso ng COVID- 19 sa Philippine National Police (PNP) makaraang 53 pa ang madagdag sa talaan.

Ayon kay PNP Spokesman P/Brig. Gen.Ildebrandi Usana ang nasabing bilang ng mga nagpositibo sa virus ay nairekord simula noong nakalipas na taon  hanggang alas-6 ng gabi nitong Biyernes.

Sinabi ni Usana sa naturang bilang nasa 425 namang PNP personnel ang mga naitalang aktibong kaso ng COVID-19.

Samantalang nasa 44 naman ang nadagdag sa talaan ng mga nakarekober sa infection sa COVID-19 o kabuuang 10,573 gumaling sa nasabing virus .

Nasa 31 naman ang naitalang death toll sa PNP dulot ng COVID-19 habang patuloy rin ang monitoring sa kondisyon ng mga pulis na patuloy na nagpapaga­ling sa PNP Hospital at ang iba naman ay nanatili sa quarantine facility.

Nabatid pa na karamihan sa mga positibong kaso ng COVID -19 sa PNP ay mga asymptomatic o walang nararamdamang anumang sintomas .

Patuloy naman ang mahigpit na pagpapatupad ng health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield at social distancing upang maiwasan na magkahawaan sa virus.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with