^

Bansa

Pagbubukas ng sinehan idinepensa ng Palasyo

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pagbubukas ng sinehan idinepensa ng Palasyo
Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque, nauunawaan niya ang nasabing desisyon dahil talagang pinag-iisipan na rin ng Pangulo kung paano makakabangon ang ekonomiya.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Ipinagtanggol ng Ma­lakanyang ang desisyon ng Inter-agency Task Force (IATF) sa pagbubukas muli ng sinehan at iba pang negosyo sa bansa.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque, nauunawaan niya ang nasabing desisyon dahil talagang pinag-iisipan na rin ng Pangulo kung paano makakabangon ang ekonomiya.

Paliwanag pa ni Ro­que, lumalabas na sa buong mundo, isa ang Pilipinas sa pinakamabagal na makakabangon dahil parang napakahaba at napakatagal na ng lockdown na ipinapatupad.

Matatandaan na si­mula noong Marso ng nakaraang taon ay nagsimulang mag-lockdown ang bansa.

Idinagdag pa niya na posible ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa kahit na may pandemya dahil alam na ng mga Filipino kung papaano nito poprotektahan ang sarili.

Napapanahon na rin umano ito dahil parang naka develop na rin ng disiplina ang mga Pinoy.

Sa kasalukuyan, 50% na ng mga negosyo ang pinahintulutang magbukas sa mga lugar na nasa GCQ habang 75% naman sa MGCQ.

vuukle comment

AITF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with