^

Bansa

120 bisita lang sa PMA Homecoming – Magalong

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
120 bisita lang sa PMA Homecoming � Magalong
Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Ma­galong, na alumnus din ng PMA, mahigit 4,000-5,000 alumni kasama ang mga pamil­ya at bisita ang regular na nakikibahagi sa taunang homecoming.
Mong Pintolo, file

MANILA, Philippines — Iminungkahi ni Baguio City Mayor Benjamin Ma­galong sa Philippine Military Academy (PMA) na hanggang 120 bisita lamang ang kanilang tatanggapin sa Alumni Homecoming ng akademya sa Pebrero 12-14.

Ayon kay Magalong, na alumnus din ng PMA, mahigit 4,000-5,000 alumni kasama ang mga pamil­ya at bisita ang regular na nakikibahagi sa taunang homecoming.

Pero dahil sa pandemya at tuluyang pamama­yagpag pa rin ng COVID-19, kinakailangang limitahan aniya ang mga taong dadalo upang mapigilan ang pagkalat pa lalo ng sakit.

Nauna nang hiniling ni Magalong na hanggang 300 lamang ang maaaring payagan sa pagtitipon ngunit napagtanto nito na babaan pa ang bilang sa 120 na mas madaling i-manage para sa physical distancing.

Pinabuksan na rin ng alkalde ang Kennon Road pansamantala sa lahat mula Pebrero 12-14, 2021.

vuukle comment

PMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with