^

Bansa

Operasyon ng private motor vehicle inspection centers, pinabubusisi ng LCSP

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan ng Lawyers for Commuters Safety­ and Protection (LCSP) ang pagsulpot ng operasyon ng Private Motor Vehicle Inspection Centers sa bansa para sa mga irerehistrong sasakyan sa Land Transportation Office (LTO).

Ayon kay Atty. Ariel Inton, founding president ng LCSP, dapat inalam muna ng LTO at DOTr ang pulso at saloobin ng mamamayan partikular ang mga moto­rista hinggil sa pag-operate ng mga pribadong inspection centers sa bansa.

Anya, hindi pa malinaw kung ang inspection centers ay makakatulong na mapababa ang mga aksidente sa mga lansangan.

“Saan nagmula ito? Solution ba talaga ito para raw bumaba ang aksidente sa lansangan? Napag-aralan bang mabuti ito?” tanong ni Inton.

Binigyang diin ni Inton na wala pang resolusyon ang  Committee on Transportation ng Kongreso hinggil sa pagkakaroon ng private inspection centers dahil nahinto ang pagdinig dito dahil sa pandemya.

Marami rin anyang reklamo ang mga motorista hinggil sa umano’y garapalang paniningil ng inspection centers.

vuukle comment

LTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with