^

Bansa

Mga choosy sa bakuna ihuhuli sa pila

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Mga choosy sa bakuna ihuhuli sa pila
Nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang nauna niyang pahayag na hindi maaaring mamili ng bakuna lalo pa’t ibibigay ito ng libre.
AFP/Yaksin Akgul

MANILA, Philippines — Hindi pipilitin ng gobyerno na magpaturok ang mga “choosy” o gustong mamili ng brand ng bakuna kahit pa sila ay kasama sa mga prayoridad pero mapupunta sila sa hulihan ng pila, ayon sa Malacañang.

Nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang nauna niyang pahayag na hindi maaaring mamili ng bakuna lalo pa’t ibibigay ito ng libre.

“Kaya nga po kung ayaw ninyong magpaturok at gusto ninyong ibang brand, eh kung mayroon po kayong priority mawawala ang prayoridad ninyo, pipila po kayo sa huli ng linya,” sabi ni Roque.

Sinabi rin ni Roque na wala naman talagang mapagpipilian dahil unang darating ang bakuna mula sa China.

“So pagdating po ng bakuna sa Pebrero hanggang Hunyo, wala po talagang pilian iyan kasi iisa lang po ang bakuna na magiging available, iyan nga po iyong galing sa Tsina. So pagdating po doon sa, uulitin ko po ha, sa Pebrero hanggang Hunyo, wala po talagang pagpipilian,” ani Roque.

Ang mga hindi aniya magpapaturok dahil gusto ng ibang brand ng bakuna ay kailangang maghintay at pipila kasama ang iba pang Filipino.

Hindi aniya ipipilit sa sinuman ang Sinovac na mula sa China para sa mga ayaw magpabakuna.

Ipinunto pa ni Roque na anumang uri ng bakuna kapag nabigyan na ng Emergency Authorization Use ng Food and Drug Administration (FDA) ay ligtas ito at epektibo.

Nauna rito, tiniyak kamakalawa ni Roque ang pagda­ting ng 50,000 doses ng Sinovac na mula sa China sa Pebrero.

vuukle comment

HARRY ROQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with