^

Bansa

Pfizer posibleng mauna sa Sinovac – Galvez

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Posibleng maunang dumating sa bansa ang COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer kaysa sa Sinovac ng China.

“Baka mauna ang Pfi­zer because the COVAX facility will be deploying the early rollout of Pfi­zer, so iintayin din namin ‘yun sa February,” ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr.

Sabi ni Galvez, kukuha ang Pilipinas ng 100 mil­yong doses ng COVID-19 vaccine sa susunod na linggo.

Sinabi rin niya na 20 milyong mamamayan ang makikinabang kapag dumating na ang bakuna na ipamimigay ng libre.

Samantala, nagpahayag din ng kahandaan si Galvez na magpapabakuna kaagad kahit pa anong bakuna ang maunang dumating sa bansa.

Nais ni Galvez na ipa­kita sa mga mamamayan na ligtas ang bakuna na kinuha ng Pilipinas.

“Sa akin nga po kung ano ang mauna na vaccine, I will volunteer na I will be the first one to take it to show to the public na talagang very safe yung mga vaccine na kinukuha natin,” ani Galvez.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with