^

Bansa

Pfizer vaccines mapapaaga ang dating sa Pinas

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pfizer vaccines mapapaaga ang dating sa Pinas
Sinabi ni Jose Manuel Romualdez, Philippine Ambassador sa Estados Unidos, na nakausap na niya si Secretary Carlito Galvez at mukhang may pag-asa ang bansa na makuha agad ang bakuna, subalit hindi lang alam kung anong eksaktong buwan.
AFP/Joel Saget

MANILA, Philippines — Posibleng mapaaga ang pagde-deliver sa bansa ng bakuna kontra COVID-19 mula sa Pfizer.

Sinabi ni Jose Manuel Romualdez, Philippine Ambassador sa Estados Unidos, na nakausap na niya si Secretary Carlito Galvez at mukhang may pag-asa ang bansa na makuha agad ang bakuna, subalit hindi lang alam kung anong eksaktong buwan.

Nauna nang sinabi ni Romualdez na dahil sa na-delay ang pagproseso sa pagbili ng bakuna ng Pfizer kaya posibleng sa kalagitnaan nitong taon ma-deliver dito sa Pilipinas ang bakuna.

Subalit iginiit ngayon ng envoy na posibleng mas mapapaaga na ang pagdadala ng bakuna dito sa bansa na maaaring mga bandang Abril.

Bukod sa Pfizer ay maaari rin makakuha ng bakuna mula sa Janssen na ginawa ng Johnson & Johnson na isang shot lang.

Nauna na rin inaprubahan ng Food and Drug Administration ang Phase 3 ng clinical trial  application ng bakuna ng Janssen kontra COVID-19.

Ang Pfizer-BioNTech ay subok na may 95% na epektibo sa lahat ng ginawang human trials.

vuukle comment

VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with