^

Bansa

Presyo ng gulay, isda, karne sumirit

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mariing kinalampag ni Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas ang Department of Trade and Industry (DTI) sa gitna na rin ng patuloy na pagsirit ng presyo ng gulay, isda, baboy, manok at iba pang mga pangunahing bilihin sa mga palengke na dagdag pahirap sa mamamayan sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Brosas, Assistant Minority Leader na lubhang nakakaalarma na sa pagpasok ng 2021 ay lalo pang sumipa ang sobrang taas ng mga bilihin sa palengke.

Ang presyo ng talong na mula P140 kada kilo ay pumalo na sa P180; kalabasa mula sa P40/kilo ay P180 na; ang manok na P160 ay P200 hanggang maging P220 na ito.

Ang siling labuyo ay mula sa P600 ay tumaas sa P1,000 hanggang P1,200 ang kilo; ampalaya na P80 ay pumalo sa P200; kada tali ng talbos mula sa dating P10 ay naging P20 na sobrang konti lang.

Idinagdag pa dito ang sobrang mahal ng isda na ang presyo ng lapu-lapu mula sa dating P580 ay naging P1,000; hipon P800,00 hanggang P1,000. Sumipa rin ang presyo ng baboy, baka at iba pa.

Muli ring nanawagan si Brosas sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mamahagi ng P10,000 cash aid sa mahihirap na mamamayan dahil hindi pa ang mga ito nakakabangon sa pandemya.

Idinagdag pa nito na makakatulong ng malaki ang epektibong price freeze na dapat ipatupad ng DTI sa gitna na rin ng pagsasamantala ng ilang mga negosyante.

vuukle comment

MEAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with