^

Bansa

Bagong COVID-19 variant inaalam kung nasa Pinas na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagsasagawa ngayon ng pana­naliksik ang Philippine Genome Center, Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at ang National Institutes for Health upang mabatid kung nakarating na sa Pilipinas ang bagong variant ng COVID-19 na nagmula sa United Kingdom.

Sinabi ni Dr. Cynthia Saloma, executive director ng Philippine Genome Center na inaasahang lalabas ang resulta ng kanilang pag-aaral matapos ang dalawang linggo kung saan malalaman kung nakarating na sa atin ang bagong variant ng virus.

Nagsasagawa umano sila ng ‘gene sequencing samples’ ng mga pasyenteng nagpositibo sa virus at naospital nitong Nobyembre at Disyembre ma-ging mga biyahero na nagpositibo.

Sa kabila nito, maagang nagbabala si Saloma ng ibayo pang pag-iingat dahil sa 70 porsyento na mas madaling makahawa umano ang naturang variant ng virus.  Ngunit nilinaw rin niya na hindi ‘highly virulent’ o hindi malala ang mga sintomas na nararamdaman ng mga pasyenteng nakakakuha nito.

Kailangang palakasin pa umano lalo ang kontrol sa mga borders ng bansa para hindi makapasok ang naturang ‘mutated virus’.

vuukle comment

RITM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with