^

Bansa

Duterte sa US: Bakuna palit VFA

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Duterte sa US: Bakuna palit VFA
Ayon sa Pangulo, ma­tatapos na ang VFA at paaalisin ito sa bansa kapag hindi nag-deliver ang Amerika kahit na minimum na 20 milyon bakuna.
Presidential photos, File

MANILA, Philippines — Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte sa Estados Unidos na puputulin ang Visiting Forces Agreement (VFA) kapag nabigo silang magbigay ng bakuna kontra COVID-19.

Ayon sa Pangulo, ma­tatapos na ang VFA at paaalisin ito sa bansa kapag hindi nag-deliver ang Amerika kahit na minimum na 20 milyon bakuna.

Matatandaan na ipinag-utos ni Duterte ang termination ng VFA matapos na ipawalang bisa ng Amerika ang pagbibigay ng US visa kay Sen. Ro­nald dela Rosa.

Binawi naman ng Pa­ngulo noong Hunyo ang pagbasura sa VFA.

Iginiit pa ng Pangulo na hindi dapat maniwala sa Amerika na magbibigay ito ng bakuna dahil sa sarili nilang lugar ay hindi pa rin ito makapag-deliver at kung magbibigay umano sa Pilipinas ay dapat magbigay na lamang at hindi puro salita.

Pagtatanggol naman ni Presidential Spokesman Harry Roque na nais lamang iparating ng Pa­ngulo na kailangan natin ang isa’t isa kaya dapat mag-deliver ang US at hindi puro salita lamang.

Matatandaan na ma­kakakuha sana ng 10 milyon doses ng bakuna mula sa Pfizer ang Pilipinas na popondohan ng World Bank at Asian Development Bank su­balit hindi umano agad nakapagsumite ng mga requirements si Health Sec. Francisco Duque.

Para naman kay Sen. Kiko Pangilinan, ang China dapat ang pagbantaan ng Pangulo para hindi magbigay ng mahal su­balit hindi naman epektibong bakuna at hindi ang Estados Unidos.

vuukle comment

BAKUNA

PRESIDENT DUTERTE

VFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with