^

Bansa

2021 national budget lalagdaan ni Duterte sa Disyembre 28

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
2021 national budget lalagdaan ni Duterte sa Disyembre 28
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, makakasama ng Pangulo sa nasabing araw ang ilan sa mga mambabatas.
Albert Alcain/Presidential Photo, File

MANILA, Philippines — Nakatakdang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Disyembre 28 sa Davao City ang panukalang P4.506-trilyon national budget para sa 2021.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, makakasama ng Pangulo sa nasabing araw ang ilan sa mga mambabatas.

Noong Biyernes natanggap ng Malacañang ang kopya ng panukalang pambansang pondo.

Matatandaan na tiniyak ng Malacañang na bubusisiin ang panukala at gagamitin ng Pangulo ang kapangyarihan na i-veto ang ilang bahagi kung kinakailngan.

Nakapaloob sa panukalang national budget ang P72.5 bilyon na ilalaan sa pagbili ng bakuna para sa COVID-19.

Ang 10 ahensiya ng gobyerno na makakatanggap ng pinakamalaking alokasyon sa 2021 ay Education (kabilang ang DepEd, SUCs, CHED, TESDA), P708.2 bilyon; DPWH, P694.8 bilyon; DOH (kabilang ang PhilHealth, COVID-19 vaccines), P287.5 bilyon; DILG, P247.5 bilyon; Defense, P205.5 bilyon; DSWD, P176.7 bil­yon; Transportation, P87.4 bilyon; Agriculture, P68.6 bilyon; Judiciary, P44.1 bilyon; DOLE, P36.6 bilyon.

vuukle comment

NATIONAL BUDGET

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with