^

Bansa

COVID-19 health protocols, mas paiigtingin sa Kapaskuhan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
COVID-19 health protocols, mas paiigtingin sa Kapaskuhan
“Pagpasok ng December, kabi-kabilang anyaya ng party, kainan so hihigpitan natin ngayon,” pahayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, sa panayam ng Dobol B.
Philstar.com/Erwin Cagadas Jr.

MANILA, Philippines — Mas hihigpitan pa ang pagpapatupad ng minimum health protocols ngayong holiday season upang maiwasan ang hawahan ng COVID-19, ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.

“Pagpasok ng December, kabi-kabilang anyaya ng party, kainan so hihigpitan natin ngayon,” pahayag ni Año, sa panayam ng Dobol B.

“Ang police visibility, mas lalo natin ipapakita at ‘yung ating mga LGUs, barangay officials, barangay tanod iikot para ma-remind ‘yung mga tao na huwag na tayo mag-mass gathering,” aniya pa.

Dini-discourage rin aniya nila ang pagsasagawa ng Christmas parties at caroling.

Papaalalahanan din nila ang publiko na obserbahan ang physical distancing partikular na sa Metro Manila.

Matatandaang ang Metro Manila ay nasa ilalim pa rin ng general community quarantine (GCQ) hanggang sa Disyembre 31.

“Itatawid lang naman natin itong 2020. By 2021, marami na tayong pag-asa. Baka makarating na rin sa atin ‘yung bakuna natin so konting antay, sakripisyo at tiis,” ayon pa sa kalihim.

Una nang nagbabala ang World Health Organization (WHO) sa pagdiriwang ng Pasko.

vuukle comment

COVID-19 TESTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with