^

Bansa

Pasaway sa COVID-19 health protocols 'mahahataw ng yantok' — JTF commander

James Relativo - Philstar.com

Yantok, gagamitin din na panukat ng distansya

MANILA, Philippines — Posibleng makatikim daw ng hagupit ng yantok, isang patpat na yari sa matigas na kahoy, ang mga hindi susunod sa itinakdang health protocols laban sa coronavirus disease (COVID-19) sa mga pampublikong lugar, ayon sa isang opisyal ng Philippine National Police (PNP), Biyernes.

Ito ang kinumpirma ng bagong talagang hepe ng Joint Task Force COVID-19 Shield na si Police Lt. Gen. Cesar Binag sa katatapos lang na "Laging Handa" briefing ng gobyerno na ipinalabas kanina.

"[M]eron po kaming tinatawag na 'social distancing patrol' na ipinag-utos ng ating chief PNP Gen. [Debold] Sinas. May hawak na yantok 'yan, isang metro 'yan," ayon sa panayam kay Binag.

"Pangsaway, panukat, pamalo na rin sa matitigas ang ulo."

Aniya, katatapos lang ng kanilang meeting ng JTF COVID Shield kasama ang ilang representatante ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fire Protection (BFP) para silipin ang latag ng Metro Manila, na siyang sentro ng iba't ibang klaseng aktibidad gaya ng komersiyo sa Pilipinas.

Pagtutuunan daw ngayon ng pansin ang mga "areas of convergence" na siyang may risk sa hawaan ng COVID-19, gaya na ng palengke, mall, simbahan, pantalan at mga sasakyan.

"So 'yun ang mga areas na pinag-usapan namin kanina. Dinoble ng ating kapulisan, sa tulong nga ng ating kasundaluhan, ang aming deployment dito para [patindihin] ang aming visibility," dagdag ni Binag.

Ipinag-uutos aniya ni Sinas ang pagkalat ng mga nasabing social distancing patrols, kahit na siya mismo ay naharap noon sa hindi pagsunod sa quarantine protocols nang maglunsad ng mañanita (hindi party) noong kanyang birthday.

May kaugnayan: 'Mahiya kayo': Pagdepensa ng PNP sa ECQ bday bash ng NCRPO chief kinastigo

PNP: Wala kaming ganyang utos

Itinanggi naman ng pamunuan ng PNP na merong ganitong utos ng pananakit ang kapulisan sa mga violators, paglilinaw ni Police Brig. Gen. Ildebrandi Usana, PNP spokesperson, sa panayam ng PSN kanina.

"[W]ala pong ganoong utos ang [Chief, PNP]. In fact, ang gamit ng yantok para sa COVID-19 ay para maiwasan ang paghahawakan at kailangan lang po mapanatili ng pulis ang [physical] distancing [between] individuals using the nightstick (yantok)," paglilinaw ni Usana.

"[W]ala pong layunin na gamitin lamang ito para maging panakot o pamalo man."

Dagdag pa ng PNP official, nasa mga tao na ang disiplina pagdating sa pag-iwas sa COVID-19 alinsunod ng panuntunan ng DOH.

Hinihingian pa ng publikasyong ito ng komento ang Commission on Human Rights (CHR) hinggil sa isyu, ngunit sisilipin daw muna nila ang usapin.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 436,345 ang nadadaling COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, patay na ang 8,509.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with