^

Bansa

Makabayan bloc idiniin ng mga ex-kadre

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Makabayan bloc idiniin ng mga ex-kadre
Inihayag ng mga da-ting kadre na sina Jeffrey Celiz, Noel Legaspi @ Efren, Joy James Saguino @Amihan ang personal nilang kaalaman sa partisipasyon ng Makabayan bloc sa pag-oorganisa ng mga underground organization.
File photo

MANILA, Philippines — Lalo pang nadiin sa red-tagging issue ang Makabayan bloc matapos humarap sa pagdinig ng Senado ang mga dating miyembro ng CPP-NPA at ihayag ang partisipasyon nila sa dating grupo.

Inihayag ng mga da-ting kadre na sina Jeffrey Celiz, Noel Legaspi @ Efren, Joy James Saguino @Amihan ang personal nilang kaalaman sa partisipasyon ng Makabayan bloc sa pag-oorganisa ng mga underground organization.

Inilahad din nila sa pagdinig na kabilang ang Makabayan bloc sa mga electoral campaign plan mula Enero-Hunyo 2019 para gamitin ang eleksyon para palaganapin ang kanilang partido sa kanayunan at kalunsuran.

Lahat umano ng aspeto ng lipunan ay napasok na ng CPP-NPA at ang hindi na lang napapasok ay ang Senado at Presidente.

Ayon naman kay Senate President Vicente Sotto III na mahirap pabulaanan ang mga pahayag at dokumentong inilabas ng mga dating rebelde.

Itinanggi naman ng Makabayan bloc ang pa­ratang.

Kabilang sa dumalo sina Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, da-ting Reps. Neri Colmenares at Teddy Casiño habang virtually present sina Kabataan Rep. Sarah Jane Elago.

Nakaharap nila sa pagdinig si National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., ilang matataas na opisyal ng militar at virtually present din sa hearing si AFP Southern Luzon Command Chief Lt. Gen. Antonio Parlade Jr.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with