^

Bansa

Pagpapabakuna nina Lacson, Romualdez alam ni Duterte

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Alam umano ni Pangulong Duterte ang ginawang pagpapabakuna laban sa COVID-19 nina Sen. Panfilo Lacson at House Majority Leader Martin Romualdez.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, mismong si Romualdez ang nagkwento kay Pangulong Duterte na nagpabakuna siya noong nagpunta sa Malakanyang noong Setyembre 16 nang pag-usapan ang katiwalian sa PhilHealth.

Ibinida umano ni Romualdez na nagpabakuna sila ni Lacson subalit hindi sinabi kung saan at ang eksaktong petsa kung kailan ito ginawa.

Tingin ni Sotto hindi naman nagbibiro si Romualdez nang banggitin ito sa Pangulo.

Pagkatapos umanong banggitin ng majority leader na nagpabakuna sila ni Lacson ay pabiro na rin niyaya ni Duterte si Sotto na magpabakuna na rin at sinundan ng biro ni Sen. Bong Go na magpapareserba na sila ng bakuna.

Tikom naman ang bibig ni Romualdez tungkol sa isyu habang si Lacson ay hindi naman inamin o itinanggi dahil ayaw niyang lumabas na sinungaling si Sotto.

Pakiusap naman ni Sotto, tantanan na ang dalawa dahil sarili nila ito at sa tingin niya ay walang nilalabag na batas ang mga mambabatas bagama’t hindi pa inaaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang mga bakuna laban sa COVID-19 dahil nasa clinical trial pa ang mga ito.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with