^

Bansa

Lorenzana, Panelo nag-sorry kay VP Robredo

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Lorenzana, Panelo nag-sorry kay VP Robredo
Magugunitang ibinahagi ni Panelo kamakailan sa kaniyang programang ‘Counterpoint’ na sumakay umano si Robredo sa isang C-130 plane na pag-aari ng gobyerno at may dalang relief goods papuntang Catanduanes para lumabas na si Robredo ang naghatid ng tulong.
The STAR/Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Nag-sorry si Defense Secretary Delfin Lorenzana kay Vice Pres. Leni Robredo sa maling pahayag niya na sumakay ang Bise Presidente sa isang C-130 military plane papuntang Catanduanes upang bisitahin ang mga nasalanta ng nakaraang mga bagyo.

Ayon kay Lorenzana, nais niyang bigyan linaw na mga relief goods mula sa OVP ang pinadala sa Catanduanes sa pamamagitan ng helicopter at hindi si Robredo mismo sa pamamagitan ng eroplano.

Lumabas sa flight manifest na isang Huey helicopter at hindi C-130 na eroplano, ang nagdala ng relief goods mula sa opisina ni Robredo sa Albay patungong Catanduanes noong Nobyembre 3.

Para naman sa Armed Forces of the Philippines (AFP), wala namang isyu kung gumamit man ang Bise Presidente ng eroplanong pag-aari ng gobyerno basta’t bigyan lamang sila ng sapat na panahon at koordinasyon tungkol dito.

Humingi rin ng tawad si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo kay Robredo dahil sa sinabi niyang parehong pahayag.

Ayon kay Panelo, agad siyang nag-text kay Robredo at humingi ng paumanhin matapos malaman na mali ang kanyang impormasyon.

Magugunitang ibinahagi ni Panelo kamakailan sa kaniyang programang ‘Counterpoint’ na sumakay umano si Robredo sa isang C-130 plane na pag-aari ng gobyerno at may dalang relief goods papuntang Catanduanes para lumabas na si Robredo ang naghatid ng tulong.

 

vuukle comment

DELFIN LORENZANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with