^

Bansa

Duterte inabswelto si Sinas sa mañanita

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tila inabswelto na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Debold Sinas sa umano’y paglabag nito sa enhanced community quarantine protocols.

Ito ay matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinatawad na niya si Sinas sa kanyang mañanita birthday party kasabay ng pagtitiyak sa publiko na may kakayahan si Sinas na mamuno sa PNP.

Sa televised speech ni Duterte ay inako rin nito ang “full responsibility” sa pagtatalaga kay Sinas dahil siya ang nag-promote dito sa nasabing posisyon.

Ipinagtanggol din ng Pangulo si Sinas sa nasabing kontrobersiya at sinabing hindi kasalanan ng bagong Chief PNP kung ang kanyang mga tauhan ay nagdiwang ng kanyang kaarawan sa pamamagitan ng mañanita na isang “religious ritual” na sa mga Filipino.

Dahil dito kaya pinatawad na umano niya si Sinas dahil wala namang alam dito si Sinas nang pumunta ang mga tauhan at walang mali sa ginawang selebrasyon dahil sorpresa ito.

Matatandaan na noong Mayo ay nabatikos si Sinas matapos na haranahin ng kanyang mga tauhan sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City na umano’y paglabag sa quarantine protocols sa paglimita sa 10 tao sa pagtitipon para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

vuukle comment

PNP

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with