^

Bansa

2,795 napalayang drug suspects natimbog muli ng PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
2,795 napalayang drug suspects natimbog muli ng PNP
Naaresto muli ng pulisya ang 2,795 ‘repeat offenders’ mula sa 19,947 napalayang drug suspects matapos na magbalik na naman ang mga ito sa ilegal na pagtutulak ng droga. Ito ang inihayag kahapon ni PNP spokesman P/Col. Ysmael Yu, kaugnay ng patuloy na monitoring sa mga napalayang drug suspects sa ilalim ng plea bargaining agreement.
STAR/File

MANILA, Philippines — Naaresto muli ng pulisya ang 2,795 ‘repeat offenders’ mula sa 19,947 napalayang drug suspects matapos na magbalik na naman ang mga ito sa ilegal na pagtutulak ng droga.

Ito ang inihayag kahapon ni PNP spokesman P/Col. Ysmael Yu, kaugnay ng patuloy na monitoring sa mga napalayang drug suspects sa ilalim ng plea bargaining agreement.

Base sa data ng Crime Information Reporting and Analysis System (CIRAS) ng PNP Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM), sinabi ni Yu na 66 pang mga tinaguriang ‘repeat offenders’ o mga nagbalik sa paggawa ng kasalanan ang umaapela muli na mapalaya sa naturang plea bargaining agreement.

Sabi ni Yu, ang PNP ay nagkakaloob ng judiciary services sa nasabing mga ‘repeat offenders’ para iharap ito kung kinakailangan.

Ayon pa sa rekord ng CIRAS, kabuuang 329,171 drug suspects ang nasakote ng anti-drug operating teams ng PNP at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula Hulyo 1, 2016 hanggang Oktubre 15, 2020.

Nasa 101,058 namang drug peddlers at users ang nadakip kung saan ang CALABARZON at Central Luzon ang may pinakamataas na bilang ng mga nahuli na umaabot sa 73,458 at 41,755, ayon sa pagkakasunod.

Iniulat din ng CIRAS na sa anti-illegal drug ope­rations sa Central Visayas ay nasa 38,867 drug suspects ang nasakote habang 11,331 sa Northern Mindanao at 10,040 sa Western Visayas sa nakalipas na apat na taon.

vuukle comment

DRUG SUSPECT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with