^

Bansa

Pagsasapubliko ng SALN ng solons, suportado ng PACC

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Pagsasapubliko ng SALN ng solons, suportado ng PACC
Ayon kay Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica, tungkulin ng mga mambabatas na ilantad ang kanilang totoong SALN upang malaman kung walang itinatagong yaman na bahagi rin ng pangako ng mga ito sa mga botante noong panahon ng pangangampanya.
Alexis Romero, File

MANILA, Philippines — Suportado ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica ang hamon sa Kamara sa ilalim ng pamumuno ni House Speaker Lord Allan Velasco na isapubliko  ng mga mambabatas ang kanilang Statement of Assets Liabilities and Networth (SALN) bilang bahagi ng transparency at accountability ng mga opisyal ng gobyerno.

Ayon kay Belgica, tungkulin ng mga mambabatas na ilantad ang kanilang totoong SALN upang malaman kung walang itinatagong yaman na bahagi rin ng pangako ng mga ito sa mga botante noong panahon ng pangangampanya.

“Naniniwala ako hindi lang bilang Commissioner ng PACC kundi bilang isang Pilipino na isa yan sa ipinangako nila noong kampanya. Mas maganda na maging totoo sila sa tao,” mariing pahayag ni Belgica.

Una rito, ibinulgar ni Belgica na ilang Kongresista umano na hindi nito tinukoy ang sangkot sa korapsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon sa opisyal nagi-ging substandard o hindi nakukumpleto ang mga pro­yekto ng ahensya dahil 50% ng pondo ay kinukurakot.

Sa inisyal na imbes­tigasyon ng PACC 10-15%  ang binabawas sa infrastructure projects ng mga tiwaling Kongresista habang may share din sa pondo ang mga District Engineers at Contractors.

Inamin ni Belgica na sa kasalukuyan ay may mga ebidensya nang hawak ang PACC at handa silang tukuyin ang mga sangkot na mambabatas sa oras   na maisumite nila kay Pa-ngulong Rodrigo Duterte ang report.

Aniya, bagaman obli­gado ang mga nasa gob­yerno na magsumite kada taon ng SALN ay hindi naman nailalabas ito tulad na lamang sa Kamara na ang rekord ng SALN ay guwardiyado ng CCTV.
Hin­di rin madali ang paghi-ngi ng kopya nito dahil sa ilalim ng House Resolution 2467, sinumang nagnanais na magka-access sa SALN ng mga mambabatas ay dapat may pinal na pag-aapruba sa plenaryo ng Kamara.

Mula 2019 nang mabalangkas ang bagong panuntunan sa pagkuha ng SALN ay wala pang  aplikasyon o nagre-request ng SALN ng mga mambabatas maliban na lamang kung boluntaryo nila itong gagawin.

Una nang nagboluntaryo na maglabas ng SALN ang Makabayan bloc solons.

vuukle comment

SALN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with