^

Bansa

'84% ng Pinoy' masaya sa COVID-19 response ni Duterte — Pulse Asia survey

James Relativo - Philstar.com
'84% ng Pinoy' masaya sa COVID-19 response ni Duterte � Pulse Asia survey
Litrato ni Pangulong Rodrigo Duterte habang nakikipagpulong sa mga miyembro ng Inter-Agency Task Force on the Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), ika-5 ng Oktubre, 2020
Presidential Photos/Simeon Celi

MANILA, Philippines — Matapos lumabas ang napakapaborableng performance rating ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong nakaraan, ganyan din ang lumabas pagdating sa pagtugon ng kanyang gobyerno sa coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, ayon sa Pulse Asia.

Ang pag-aaral, na isinagawa sa pamamagitan ng harapang panayam ng 1,200 katao mula ika-14 hanggang ika-20 ng Setyembre, ay inilabas ng grupo, Huwebes.

"Nasa walo (8) kada 10 Pilipino (84%) ang may positibong opinyon sa trabaho ng administrasyong Duterte sa pagsawata sa [COVID-19] at pagtulong sa mga nawalan ng trabago habang pandemya," sabi ng researchers sa Inggles.

"Kapansin-pansing mas maraming Mindanawon ang aprub sa pagsusumikap ng administrasyong Duterte para tumulong sa mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemic kumpara sa mga taga-Kamaynilaan (91% kontra 75%).

Narito ang breakdown ng nasabing pag-aaral pagdating sa pagkontrol ng COVID-19 spread:

Approve (84%)

  • Truly approve (33%)
  • Somewhat approve (51%)

Disapprove (6%)

  • Somewhat disapprove (4%)
  • Truly disapprove (2%)

May approve or may disapprove (10%)

 

 

Narito naman ang breakdown ng performance rating sa pagtulong/paghahatid ng ayuda sa nawalan ng trabaho dulot ng virus:

Approve (%84)

  • Truly approve (32%)
  • Somewhat approve (53%)

Disapprove (7%)

  • Somewhat disapprove (5%)
  • Truly disapprove (2%)

May approve or may disapprove (9%)

"Para sa 92% ng mgta Pilipino, mahusay si Pangulong Rodrigo R. Duterte pagdating sa pagsawata ng pagkalat ng COVID-19 sa Pilipinas," dagdag pa ng pag-aaral.

Ito ay kahit na minamaliit ni Duterte ang COVID-19 mula pa noong Enero. "Okay naman ang lahat sa bansa. Wala namang dapat ikatakot sa coronavirus thing na 'yan," wika niya noong Pebredo noong naiulat ang unang dalawang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Matagal din nagmatigas ang Palasyo na huwag isara ang Pilipinas sa Chinese tourists kahit na sa Wuhan, China nagsimula ang COVID-19. Nakuha pa sabihin ni Digong na "sasampalin" niya ang "putanginang idiotong coronavirus."

Basahin: ‘No order to ban Chinese from Philippines’

May kaugnayan: From slapping ‘veerus’ to spraying pesticide: How Duterte’s remarks against COVID-19 have evolved

 

 

Bagama't tapos na ang pamimigay ng second tranche ng social amelioration program (SAP), o yaong ayuda para sa mga naapektuhan ng lockdowns, tinapos lang ito dahil hindi mahanap ang ilang benepisyaryo — dahilan para hindi pa rin maabot ang ibang nangangailangan. 'Yan ay naibunyag kamakailan sa pagdinig ng budget ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), dahilan para isaoli ang ilang pondong dapat nakalaan dito.

Hindi pa rin nakakapamasada ang lahat ng mga tsuper, dahilan para mawalan pa rin ng trabaho ang pagkarami-rami.

Kasalukuyang 329,637 na ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, habang 5,925 na ang namamatay rito, ayon sa huling datos ng Department of Health (DOH), Miyerkules.

Malacañang natuwa sa resulta

Ikinagalak naman ni presidential spokesperson Harry Roque ang nasabing balita, banggit niya sa isang virtual briefing matapos ilabas ang survey.

"Pilipinas, maraming salamat po sa ibinigay ninyong tiwala na naman sa atinng presidente," ani Roque sa mga reporters.

"We're humbled and we are further inspired to serve the Filipino people in this time of pandemic and crisis."

Pinasaringan din ni Roque ang mga kritiko ng administrasyon, na labis daw na nasa minorya pagdating sa pagkatuwa sa presidente.

Pinayuhan naman niya ang mga bumabatikos kay Digong na "itigil" ang pamumulitika sa gitna ng pandemya at ipagpatuloy na lang ang pagtulong sa sambayanan.

Hindi man tinukoy ni Roque kanina, kamakailan lang nang sabihan niya si Bise Presidente Leni Robredo na produkto ng pamumulitika ang pagbaba ng kanyang trust at approval ratings.

Giit ng Pulse Asia, walang pribadong indibidwal na nagkomisyon para sa panibagong survey at wala aniyang impluwensya ng anumang "religious, political, economic" at "partisan group." 

Sa kabila niyan, kapansin-pansin na hindi tinukoy ng survey ang "gobyerno" sa kabuuan at naka-phrase lagi gamit ang mga katagang "administrasyong Duterte."

vuukle comment

NOVEL CORONAVIRUS

PULSE ASIA

RODRIGO DUTERTE

SURVEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with