^

Bansa

DDR magpapagaan ng bigat ng kalamidad – Salceda

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
DDR magpapagaan ng bigat ng kalamidad � Salceda
Ayon kay Albay Rep. Joey Sarte Salceda, layon ng DDR na maging pangunahing ahensiyang mangangasiwa sa pagkilos laban sa mga kalamidad, pagiging handa sa mga ito, at muling pagbangon pagkatapos nilang manalasa.
Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Hiniling ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda sa Senado na aprubahan na ang House Bill 5989 o paglikha ng Department of Disaster Resilience (DDR) na magpapagaan sa pamahalaan upang umaksiyon laban sa kalamidad.

Ayon kay Salceda, layon ng DDR na maging pangunahing ahensiyang mangangasiwa sa pagkilos laban sa mga kalamidad, pagiging handa sa mga ito, at muling pagbangon pagkatapos nilang manalasa.

Bagama’t hindi maiiwasan ang lindol, bagyo at pagsabog ng bulkan, sinabi ni Salceda na mapapagaan naman ang nararamdaman ng mga naapektuhang Filipino kung may agad na kikilos at aayuda.

Sa balangkas ng HB 5989, kasama rito ang Office of Civil Defense, Climate Change Commission Office, Health Emergency Management Bureau ng Department of Health, at Disaster Response Management Bureau ng Department of Social Welfare and Development.

Unang ipinasa ng Kamara ang DDR bill noong 2018, ngunit inabutan ito sa Senado ng halalan kaya hindi nakalusot. Muli itong inihain ng mambabatas sa 18th Congress at ipinasa ng Kamara nitong nakaraang Setyembre.

Umaasa si Salceda na chairman ng House Ways and Means Committee, na susuportahan ng mga senador ang panukala.

vuukle comment

DEPARTMENT OF DISASTER RESILIENCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with