^

Bansa

Comelec inaaral 'postal voting' ng mga senior, PWD sa gitna ng COVID-19 crisis

James Relativo - Philstar.com
Comelec inaaral 'postal voting' ng mga senior, PWD sa gitna ng COVID-19 crisis
Nagpaparehistro sa Pasig ang matandang lalaking ito para sa paparating na 2022 elections, ika-1 ng Setyembre, 2020
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Dahil sa tumitinding banta ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, pinag-iisipan nang payagan ng Commission on Elections (Comelec) ang paggamit ng postal services sa pagboto ng mga 60-anyos pataas at mga may kapansanan para sa darating na 2022 elections.

Kung maipapatupad, hindi na kinakailangang pisikal na pumunta ng mga senior citizen at persons with disability (PWD) sa presinto para bumoto — makaboboto na gamit ang balotang ipadadala sa kanilang bahay. Matapos bumoto, ise-send na lamang nila ito para tuluyang mabilang.

"In fact, ang postal voting o mail-in voting ginagawa na natin 'yan sa overseas voting. Ang gusto lang ng Comelec ay palawigin ito pata ma-include ang domestic voting," paliwanag ni Comelec spokesperson James Jimenez sa panayam ng GMA News, Lunes.

"Mag-identify lang muna tayo siguro ng mga partikular na voters. Halimbawa, senior citizens or persons with disability na puwedeng gumamit ng mail-in voting."

Mga edad 60-anyos pataas ang sinasabing pinakadelikado sa pagkakaroon ng "severe illness" mula sa COVID-19, ayon sa U.S. Centers for Disease Control and Prevention (CDC). Hunyo naman nang isiwalat ng World Health Organization (WHO) na puros 60-anyos pataas ang kalakhan ng mga namatay sa virus sa Pilipinas.

Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang ihain ni Marikina Rep. Stella Quimbo ang House Bill 7572, bagay na naglalayong magsabatas sa nasabing election alternative.

BASAHIN: Mail voting sa senior citizens itinulak

Ayon kay Quimbo, napapanahon nang magkaroon ng ganitong pamamaraan ang halalaan lalo na't tila tatagal pa nang husto ang COVID-19 pandemic, bagay na humawa na sa 304,226 katao at pumatay sa 5,344 iba pa sa Pilipinas. Nananatili namang walang bakuna at lunas dito.

Ilan sa mga kilalang bansa na nagsasagawa ng postal voting ay ang Estados Unidos, United Kingdom, Sitzerland, Australia at New Zealand. 

Wika naman ni Jimenez, sinusubukan na rin ng Comelec mag-develop ng iba pang alternatibo sa karaniwang pagboto — gaya na lamang ng online voting. Sa kabila niyan, labis pa raw nilang aaralin ang nasabing proseso lalo na't "wala" pa raw silang nakikitang dahilan para ipagpaliban ang 2022 elections.

Pinag-uusapan ngayon ang nasabing isyu matapos imungkahi ni Pampanga Rep. Mikee Arroyo ang tuluyang pagpo-postpone ng halaan dahil na rin daw sa "takot" ng taumbayan na mahawaan ng COVID-19, bagay na labis pinalagan nina dating Comelec Commissioner Gregorio Larrazabal.

vuukle comment

COMMISSION ON ELECTIONS

NOVEL CORONAVIRUS

PERSONS WITH DISABILITY

SENIOR CITIZENS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with