Periodical exam, planong alisin sa distance learning
MANILA, Philippines — Plano ng Department of Education (DepEd) na alisin muna ang periodical exams sa distance learning dahil pa rin sa patuloy na banta ng COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Education Undersecretary Diosdado San Antonio, layunin nitong maiwasan ang posibleng pandaraya ng mga estudyante sa pagsusulit.
Sa halip aniya na magkaroon ng periodical exams, plano nilang magpokus na lamang muna ang mga estudyante sa mga written outputs at performance tasks.
“This is the best time for us, so we are appealing to the parents, grandparents, and adults to help DepEd actually reinforce the value of honesty,” aniya pa.
Matatandaang dahil sa pandemya ng coronavirus ay nagdesisyon ang DepEd na magkaroon na lamang ng distance learning sa bansa upang maipagpatuloy pa rin ang pag-aaral ng mga bata.
- Latest