^

Bansa

Pinoy sa Australia nagpasaklolo kay Duterte

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaasa ang isang Pinoy migrant na nakakulong sa Sydney, Australia na matutulungan din siyang makalaya ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte matapos na palayain si US Marine Lance Cpl. Joseph Scott Pemberton sa pamamagitan ng absolute pardon.

Si Inocencio “Coy” Garcia, ay nahatulang makulong ng 14 na buwan ng walang inirekomendang bail at parole ng korte sa Mt. Druitt, Sydney noong Huwebes Setyembre 3, 2020 dahil sa umano’y pagpo-post sa Facebook ng pangalan at litrato ng dalawang menor de edad na anak niya na dinukot umano ng mga social workers mula sa Department of Children Services at Family Community Services and Justice sa Australia.

Subalit ayon kay Garcia, sa halip na tulungan siya ni Philippine consul general to Sydney Hon. Ezzedin H. Tago para makakuha ng due process ay nagpadala lamang ito sa korte ng minor consular functionary na si Maybel Marinay Caprino para mag-obserba sa promulgation ng kanyang kaso.

Nag-ugat ang problema ni Garcia noong Setyembre 23, 2014 nang bigla umanong pumasok sa kanyang bahay ang mga miyembro ng DoCS at FaCSaJ sa No. 34 Kurama Crescent, Whalan, New South Wales at dukutin ang kanyang anak na edad 3 at 2.

Umapela si Garcia kay Pangulong Duterte na tulungan siyang makalaya at mabawi ang kanyang mga anak mula sa umano’y mga opisyal ng Australia.

vuukle comment

MARINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with