^

Bansa

Healthcare workers na palalayasin sa nirerentahan sasaluhin ng gobyerno

James Relativo - Philstar.com
Healthcare workers na palalayasin sa nirerentahan sasaluhin ng gobyerno
Kuha ni Pangulong Rodrigo Duterte habang nagbibigay ng talumpati kasama ang mga miyembro ng Inter-Agency Task Force on the Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), ika-31 ng Agosto, 2020
Video grab mula sa Facebook account ng RTVM

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na may mauuwiang tirahan ang mga healthcare workers ngayong coronavirus disease (COVID-19) pandemic lalo na kung sila'y palalayasin ng kani-kanilang landlords.

Binanggit 'yan ng presidente sa kanyang talumpati kagabi, ika-31 ng Agosto, habang nakikipagpulong sa mga miyembro ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.

"[W]hether you’re renting a room or a house or whatnot pero dahil nga nasa frontliner ka sa COVID, pinapaalis kayo because of the fear unfounded na mahawa ninyo ang may-ari ng mga bahay at ‘yung mga kasamahan ninyo sa mga dormitoryo,"

"If this happens, you can call directly the office of Secretary Galvez and we will provide you with the necessary billeting and pati pagkain na, and we will choose a place nearest to where you are working."

Wika ng pangulo, marami naman daw bakanteng hotel sa ngayon na maaaring tuluyan ng mga manggagawang pangkalusugan na siyang sumasagip sa buhay ng nasa 69,697 active COVID-19 patients sa Pilipinas.

Handa naman daw umutang ng gobyerno para mabayaran ang kani-kanilang tutuluyan.

Nasa 6,700 healthcare workers na sa ngayon ang tinatamaan ng virus habang tumutugon sa pandemya. Sa bilang na 'yan, nasa 40 na ang namamatay, ayon kay Dr. Leni Jara ng Council for Health and Development.

Para mapigilan ang pagpapalayas sa mga manggagamot ngayong kailangan na kailangan sila ng bansa, biro tuloy ni Duterte ay palalayasin ang mga landlords na tatangkaing gawin ito sa mga health workers.

"Isabi mo lang ang pangalan ‘yung may-ari ng building, may-ari ng boarding house, may-ari ng ano, at I will call their attention publicly so that kung sila ang magkasakit, huwag na silang tanggapin sa ospital rin," sambit pa niya.

"Well, anyway, I’m joking."

Sa huling tala ng Department of Health (DOH) noong Lunes, nasa 220,819 na ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, habang nasa 157,559 na sa kanila ang binawian ng buhay habang nakikipaglaban sa sakit.

Related video:

vuukle comment

HEALTHCARE WORKERS

HOUSING

NOVEL CORONAVIRUS

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with