^

Bansa

Paborableng ruling sa MORE magdudulot ng hostile takeover?

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Malaki umano ang magiging epekto ng desisyon ng Korte Suprema sa dalawang taong mainit na labanan sa pagitan ng More Electric and Power Corporation (MORE) at Panay Electric Company (PECO) sa negosyo sa bansa pati na sa foreign direct investments (FDIs) na papasok sa Pilipinas.

Sinabi ni Atty. Star Elamparo, ng Divina Law office at lead counsel ng PECO, na ang judicial ruling na pumapabor sa MORE Power ay tila magbibigay ng lehitimasyon sa hostile takoevers ng mga kompanya at prangkisa mula sa mga interesadong korporasyon nang hindi kinakailangang magpakita ng kakayahan, expertise o industry history.

“Kung kakatigan ng Korte ang posisyon ng MORE, hindi malayong sundan ito ng iba pang hindi kuwalipikadong kompanya na hindi karapat-dapat bigyan ng prangkisa ng Kongreso,” ani Elamparo.

Bago mag-apply at makuha ang power distribution franchise sa Iloilo, ang MORE ay isang mining company na wala umanong experience sa pagtatayo at pagpapatakbo ng isang electrical company.

Ayon kay Elamparo, ang pagwawalang-bahala ng MORE Power sa kautusan ng Iloilo RTC para sa maayos na transition sa period sa pagitan ng MORE at PECO ang dahilan kung bakit pasama nang pasama ang serbisyo ng kuryente sa Iloilo.

vuukle comment

MORE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with