^

Bansa

Pinas ‘very good’ sa pagsugpo sa COVID-19 – Malacañang

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pinas �very good� sa pagsugpo sa COVID-19 � Malacañang
Ayon kay Presiden­tial Spokesperson Harry Roque, wala namang bansa sa mundo ang per­pekto ang paraan sa pag­harap sa corona­virus at kung ikokonsidera ang rate ng mga namamatay ay masasabing mahusay ang Pilipinas.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Tinawag na ‘‘very good’’ ng Malacañang ang ginagawa ng gob­yerno sa pagharap sa COVID-19 kahit pa na­ngu­nguna na ang bansa sa may pinakama­ra-ming may impek­siyon.

Ayon kay Presiden­tial Spokesperson Harry Roque, wala namang bansa sa mundo ang per­pekto ang paraan sa pag­harap sa corona­virus at kung ikokonsidera ang rate ng mga namamatay ay masasabing mahusay ang Pilipinas.

Naniniwala rin si Ro­que na hindi nagka­mali ang gobyerno nang magpatupad ng mga lockdown dahil naiwa­san ang projection ng University of the Philippines na mas marami ang tatamaan.

Pero kung ikokonsi­dera aniya kung gaano karami ang populasyon ng bansa sa Southeast Asia, lalabas na mabuti pa rin ang ginagawa ng gobyerno.

Ipinunto rin ni Roque na kumpara sa ibang bansa, nasa no. 22 ang Pilipinas sa may pinakamaraming COVID-19 pero kung ikukumpara ang populasyon sa ban-sa katulad ng Brazil na nasa number 2 ay masasabing mas mahusay pa rin ang ginagawa ng Pilipinas.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with