^

Bansa

Pagkansela sa P1.8 bilyong fertilizer deal, giit

Joy Cantos, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Iginiit ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) kay Agriculture Secretary William Dar na kanselahin na lamang nito ang P1.8 bilyong ferti­lizer supply deal dahil hindi naman nagawa ng supplier nito ang obligasyon na maideliver ang 911,073 bags ng urea fertilizer sa Central Luzon nitong huling araw ng Hunyo.

Ang supply contract ay nai-award sa La Filipina Uy Gongco.

Ayon kay SINAG chairman Rosendo So, dapat ay naideliver na kahapon, June 30, ng supplier nito ang 110,000 bags ng ferti­lizer, o may 12% ng kabuuang obligasyon.

“This is ground enough for Agriculture Secretary William Dar to rescind this contract. This is proof that La Filipina, contrary to its claim, has no stock on hand nor does it have enough incoming supply of urea fertilizer,” pahayag ni So.

Nakasaad sa kontrata na ang La Filipina ay magsasagawa ng 50% delivery compliance sa buwan ng Mayo at dapat naisagawa na ang full delivery ng June 30.

Ang La Filipina’s supply contract para sa Central Luzon ay P995 per bag na bahagi ng inisyal na 4 winning bids ng Mayo na may halagang  P1.8 billion.

Nai-award din ng La Filipina ang supply contracts para sa  Calabarzon sa halagang P990 per bag, Western Visayas P995 per bag at Atlas Fertilizer para sa Central Visayas P900 per bag.

Kinukuwestyon ng mga magsasaka ang kontrata dahil ang  winning bids ay overpriced umano dahil ang average retail price ng urea sa Central Luzon ay P850 hanggang P890 per bag lamang.

Una rito, naghain ng resolusyon ang Makaba­yan bloc solons sa Kamara para imbestigahan ang overprice na P1.8 bilyong fertilizer scam.

Base sa pagtaya ng Makabayan bloc solons aabot sa P271.66 M ang overprice sa presyo ng urea fertilizer na maaaring magamit pa sana sa pagbili ng karagdagan pang 400 bags.

Una namang nilinaw ni Secretary Dar na walang naganap na iregularidad sa naturang supply contracts dahil sa survey ng department’s Fertilizer and Pesticide Authority na ang average price ng urea ay mula  P1,043  hanggang  P1,062 per bag mula buwan ng Marso hanggang Mayo.

vuukle comment

SINAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with